Entry: dalangin ko Monday, October 08, 2007



 

sa mga taong nagbabasa ng aking blog kahit na hindi ko nauupdate, maraming salamat po. :)

maraming mga bagay ang tinuturo ng Panginoon sa akin ngayon. marami pa pala akong hindi alam sa Kanya. sobrang dami. natutuwa ako sa mga pagtawag ng Panginoon sa akin at sa mga ipinapakita Niya.

Gusto kong papurihan ang Panginoon sa lahat lahat sa aking buhay ngayon at dalangin ko na sana ay ganoon din kayo. Ang buhay ay mabilis lamang. Nawa ay mamuhay tayong lahat ng naayon sa pagkakatawag ng Panginoon sa atin. Mamuhay tayo sa Kanyang salita, ang Kanyang presensiya ang ating maging hininga.

marami pa akong gustong gawin para sa Panginoon. makapagdala ng marami pang kaluluwa sa kanyang paanan. makapagalaga ng mga kabataang gutom sa salita at presensiya ng Diyos, magamit ng husto sa Kanyang simbahan, makapagpuri ng wasto sa Kaniyang paanan sa lahat ng panahon at mahalin Siya ng naaayon sa Kanyang kagustuhan.

Mahal ko ang Panginoon. at alam kong hindi nagbabago ang pagmamahal Niya sa akin. Walang katapusan. Walang hangganan.

Isa lamang ang pinakahiling ng aking puso (maliban sa mga maliliit na hiling at dalangin ko sa arawaraw), at iyon ay makita ang Kanyang mukha at makasama Siya sa habangpanahon sa Kanyang pagbabalik.

Panalangin ko na katagpuin ninyo ang Panginoon sa kung Sino siya at masusumpungan mo ang kapayapaan at kaligayang hindi maibibigay ninuman. At pag ito'y natagpuan mo na, wag mo itong bibitawan, panghawakan mo ito ng mahigpit dahil ito na ang iyong magiging buhay.

Tapat ang Diyos, tunay Siya at totoo.

 

 

 

Maniwala ka.

 

 

Magtiwala ka.

 

 

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments